Saturday, November 26, 2011

Paglalakbay sa/ng Sugidanon

Isang esensyal na laman ng naratibo ng “epiko” o sugidanon ang pakikipagsapalaran o paglalakbay. Maaari itong tumukoy sa paglalakbay ng bayani para maghanap ng mapapangasawa o ang paglalakbay ng kaalaman papunta sa ibang panahon at espasyo. Sa una, naaakda ang mga katangiang pangkasarian, pang-relasyon at pang-komunidad tulad ng dadaanang labanan ng lalaki, bilang ng aasawahin at pagbubunyi sa kanyang mga pagtatagumpay na karaniwang nagtatapos sa kasalan o pyesta. Sa pangalawa naman ay ang pagtatanghal ng materyal na kultura ng isang komunidad. Sa pagkakalarawan nga ni William Scott (1994):

[T]hey must have included details like the hero’s flashing gold teeth and magic sword or gong obtained from deities in a many-layered heaven, and the magnificient plumage at prow and stern of ships miraculously propelled by guardian spirits rather than oars or sails.

... (or) betel nut. The datu’s followers turn the ground as bloody as a battlefield with their spittle, demigods chew bonga of pure gold, ladies make their appearance preparing quids for their menfolk and serving them ceremoniously, and lovers seal their commitment by exchanging them partially masticated. (101)

Hindi lang kung ganoon dapat itutok ang pagbasa ng sugidanon sa bida o mga bida. Mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang konstrak ng kultura mula rito. Ang patuloy na pakikinig at pagbabasa ng “epiko” ay itinuturing na paraan ng pagturo at paglipat ng pamana ng lahi.

Ang ganitong pananaw ay mas pinalawak pa ni Rolando Tolentino (2007). Maliban sa pagkilala sa epiko bilang “ritual sa katutubong buhay” at pagiging “repositoryo ng kolektibong panlipunang alaala” ito rin ay maaaring sabayang humakop ng iba’t ibang panahon. “Inilalahad ng epiko ang pinagmulan, pinanggalingan, pinagdaanan ng komunidad, at maging ang patutunguhan nito” (57). Dito na maaaring tignan ang epiko bilang naratibo ng paglalakbay. Ayon sa kanya,

[n]aglalakbay ang epiko sa tatlong antas---una, sa antas ng paglalahad ng laman ng epiko, ang paglalakbay ng epikong bayani; ikalawa, sa antas ng analogous na paglalakbay ng bayani sa mamamayan at komunidad, bilang kolektibong kwento at kasaysayan ng lugar; at ikatlo, sa antas ng pagtatanghal ng epiko para sa kasalukuyang manonood, bilang walang kadudadudang pagtunghay sa kanilang alaala. (Ibid.)

Sa unang antas ng paglalakbay ay maipapakilala ng sugidanon ang pekulyaridad ng mga pangalan at katangian ng bayaning Panayanon. Sa ikalawang antas ay higit na maisasalugar ang partikularidad at ispesipisidad ng kasaysayan at kultura ng taga-Panay na dala-dala ng bayani. Sa ikatlo naman ay ang asersyon ng pagiging isang lahi---ng Sulod, Panayanon, Bukidnon, o Ilonggo. Ayon pa nga kay Tolentino, ito ang magiging “metanaratibo ng rehiyon, ang paglulugar sa grupo ng mamamayan , at ang pagpopook nito sa diwa ng pagkamamamayan” (58).

Ang pagbasa at pag-aaral ng sugidanon kung gayon ay hindi lang pagtuytoy ng kasaysayan ng transformasyon mula sa pasalita nitong anyo tungo sa pasulat, ito rin ay isang paglalakbay sa kasaysayan at pag-akda ng hinaharap ng komunidad na lumikha ng panitikan na itinuturing na magtutulay sa paniniwala at pang-araw-araw na gawain ng mga tao.

(Note: Ang larawan ay kuha sa ginanap na 22nd Conference on West Visayan History and Culture sa Oton, Iloilo nitong Nobyembre 17-18, 2011.)

Friday, November 25, 2011

Reading (Blindness) first, seeing (Blindness) second

Seeing a film adaptation of Jose Saramago’s novel Blindness is like eating pakwan for one who has read the novel first and saw its appropriated equivalent in film second. You can’t just swallow all that you’ve bitten, your tongue has to feel for the seeds that needs to be thrown.

A city is hit by an epidemic of “white blindness” that spares no one. Authorities confine the blind to an empty mental hospital, but there the criminal element holds everyone captive, stealing food rations and assaulting women.

Reading the book is like in a feast/pest of words; gives you both enjoyment and suffocation. Enjoyment is brought by the sheer fascination of the richness of Saramago’s imagination, the peoples’ blindness as plague and the plague as social metaphor. Suffocation is to be read in human debasement, in characters losing humanity and living (in) indignities.

There is one eyewitness to this nightmare who guides seven strangers---among them a boy with no mother, a girl with dark glasses, a dog of tears---through the barren streets, and the procession becomes as uncanny as the surroundings are harrowing.

One can just imagine all kinds of shits blind men and women, adult and children, could do this world. Chaos may be the right term to describe its result. Beautifully chaotic in the world we know as literature, but not in the real world. Saramago’s vision if given its true form would only mean one thing---the end of the world as we know it.

We have no alternative, said his (the Doctor) wife, besides, the regime is here,...anyone who doesn’t pay can suit himself, that’s his privilege, but he’ll get nothing to eat and he cannot expect to be fed at the expense of the rest of us, We shall give up what we’ve got and hand over eveythhing, said the doctor, And what about those who have nothing to give, asked the pharmacist’s assistant, They will eat whatever the others decide to give them, as the saying rightly goes, from each according to his abilities, to each according to his needs. (p. 141)

Seeing the film only gives half of what we have imagined. Film images, however plenty and fast-moving, could not get us right to the fullness of our own novelistic construction. My own version could be more brutal than the film’s telling. Saramago’s novel is short of subtlety. The film version however, is timidly controlled to the point of disappointment.

They (blind women) knew what awaited them, the news of the abuses they would suffer was no secret, nor were these abuses anything really new, for in all certainty this is how the world began. What terrified them was not so much the rape, but the orgy, the shame, the anticipation of the terrible night ahead,... The worst thing of all is that I might feel some pleasure, one of the women thought to herself. (p. 187)

Time is the enemy of any film adaptation. A two-hour film is only good as to show the narrative flow. It always is short of full characterization, always aspires for condensation, and always selective of what is dramatically representable.

Why did we become blind, I don’t know, perhaps one day we’ll find out, do you want me to tell what I think, Yes, do, I don’t think we did go blind, I think we are blind, Blind but not seeing, Blind people who can see, but do not see. (p 326)

It is after all, just a slice of pakwan with it seeds meticulously taken.

Tuesday, November 22, 2011

Bayan sa panahon ng Amerikano sa Ilaw sa Hilaga ni Lazaro Francisco


Ang nobelang Ilaw sa Hilaga ay sinulat noong 1930s ngunit ang kapanahunan inilalarawan ay 1920s. Ito ang panahong nauso ang negosyong transportasyon (bus) na hinawakan at pinamumuhunan halos ng mga Amerikano. Ito ang panahon na minimal na lang ang mga labanan sa pagitan ng rebolusyonaryong Pilipino at hukbong Amerikano. Panahon ng ‘Peace Time.’ Sa katunayan, hindi na nababanggit sa nobela ang mga labanan pang nangyayari maliban sa trace nito sa isang tauhan na siyang amain ng pangunahing tauhan na kinilala sa tawag na ‘Si Heneral’ dahil nakapaglingkod sa dalawang rebolusyon, ang laban sa Kastila at sa Amerikano. Ito rin ang panahon na inilagak ang batas Tydings-McDuffie na nagbibigay sa mga Amerikano ng karapatang mamuhunan at magnegosyo sa bansa.

Sa nobela, ang pangunahing karakter na si Javier Santos/Rei Vajt Ossan ay kinalaban ang namumuhunang Amerikanong si Hansen sa kanilang bayan ng San Carlos. Ang Amerikano ay suportado ng lokal na aristokrasiya. Ang pakikipagsabayan niya sa negosyo ay nauwi sa kalugian. Sinunog niya ang ari-arian at naglaho sa bayan para lamang bumalik sa isang bagong katauhan ala Simoun sa El Fili ni Jose Rizal. Tinumba niya ang lahat ng negosyong dayuhan, kasama na ang mga bodegerong Intsik, at sinimulan ang planong panggigipit sa mga kababayan hanggang sa mga ito ay magising at matutong magkaisa para labanan ang puhunang dayuhan. Nagtagumpay si Javier sa kanyang hangad na pag-ibayuhin ang kaisipan at damdaming makabayan ng mga taga-San Carlos.

Ang San Carlos bilang Pook

Ang San Carlos ay isang fiksyonal na bayan na sinasabing malapit lamang sa Maynila (magagawang lakbayin papunta-pabalik sa loob ng isang araw). Ito ay may malapit na pisikal, ekonomikal at ideolohikal na relasyon sa Maynila---ang Sentro. Nasa Maynila ang bangko at ang pamunuang pang-gobyerno. Ang tagasagisag na ‘bus’ ang araw-araw na nakakapaglikha ng kahulugang ito.

Bilang pook na hiwalay (kahit hindi din) sa Maynila, ang San Carlos ay tagatanggap at tagasunod sa mga ekonomiko at politikal na praktis mula sa Sentro. Ang pagpasok ng puhunang Amerikano sa San Carlos ay resulta at aktwasyon ng batas Tydings-McDuffie na konektado rin sa ‘benevolent assimilation’ at ‘white mens’ burden’ na prinsipyo ng bagong kolonisador na Amerikano. Ang presensya ng anak at tagapagmana ng matandang Hansen sa bahay ng pinakamayamang aristokrat sa bayan ay taga-akda ng bagong hirarkiya: ang Amerikano ang sa pinakamataas, sunod ang aristokrato at ang sa pinakaibaba ay ang mga manggagawa at magsasaka.

Bilang pook, at dahil na rin sa pagpasok ng impluwensyang Amerikano, ang kultural na arketipo ng San Carlos ay nagbago. Ang San Carlos ay naging lunan ng pakikipagnegosasyon sa parehong wika at kultura ng mga katutubong Pilipino. Ayon nga kay Javier, sa kaniyang pakikipag-usap sa batang Hansen:

Nagkaroon kami, Ginoong Hanzen, ng dalawang uri ng kabihasnan: ang kabihasnang pamana ng aming ninuno, at ang kabihasnang inihatid dito ng mga dayuhan! Salit na ginagamit namin ang bihisang sarili at ang bihisang dayuhan upang ipakilala lamang na natuto kaming mabuhay sa dalawang uri ng kabaihasnang iyan.

Kahit na sa paggamit ng wika (ang wika Ingles ang naging wika ni Javier sa pakikipagtalastasan kay Hanzen) ang katutubo ay kailangang mag-aral at matuto ng wikang dayuhan para hindi lang maintindihan ang kausap ngunit pati na ang kakausaping nakararami na inaasahan g makakaintindi rin ng wikang banyaga.

dito’y kailangang manghiram ng wikang dayuhan upang magkasundo ang lahat sa isang wikang pambansa at pampamahalaan! Makalilibong masarap sa amin ang mapailalim kaming lahat sa wikang banyaga kaysa masabing sinahis ng Tagalog ang Ilokano, ang Bisaya, ang Bikol, ang Kapampangan, at iba pa, o iyon kaya ng alin man sa mga ito!

Ang San Carlos bilang pook ay naging paitlogan (hatchery) ng kultural na paghalo-halo, ng panggagaya at ng pangongopya. Nariyang kopyahin ni Javier ang Simoun ni Rizal sa El Fili, o ang pagkadayuhan mismo sa pangalang Ossan; ng matandang tagapayo ng heneral si Pilosopo Tasyo, ng mga lokal na aristokrato ang pananamit at gawi ng mga Amerikano. Subalit ang panggagaya at pangongopya ay nagiging sobra o kulang din---at dito naimamarka ang isa nang bagong katauhang Pilipino.

Katauhang Pilipino sa Panahong Amerikano

Ang bagong katauhang Pilipino na diktado ng pook at kapanahunang Amerikano ay inilalarawan ni Javier Santos/ Rei Vajt Ossan. Ang katauhang Javier Santos ay luma at mula sa tradisyong katutubo at Kastila. Ang katauhang ‘katutubo’ sa pagnanais na maibalik ang kaginhawahan noong panahon bago dumating ang Kastila ay nakipaglaban sa mga Kastila at nang malapit na itong makamit ay dumating naman ang bagong kolonisador na Amerikano. Ang ‘katutubo’ ay muling nakitagpo sa katauhang ‘Kastila’ (gamit ang moral at etiko ng Kastila) para palakasin ang sarili para labanan ang Amerikano. Magkagayunpaman, ang tradisyunalismo ni Javier Santos ay hindi nagtagumpay. Kailangan niyang ireimbento ang kanyang sarili sa isang di pa naaakdang katauhan, isang pangalan na nalikha bilang puzzle ng kanyang pangalan---ang pagbaliktad ng ‘Javier’ sa ‘Rei Vaj’ at ‘Santos’ sa ‘t Ossan.’ Enigmatiko at mapanlinlang na katauhan ang inangkin ng katutubong Pilipino para ipantapan sa dayuhang Hanzen. Magkagayunpaman, ang pangalang imbento ay markado ng pagiging dayuhan pa rin. Sa katunayan ang ‘Ossan’ ay salitang Hapon na ang ibig sabihin ay ‘matanda.’

May pagbulwak at pag-alpas ang akto ng pangongopya ng Pilipino sa dayuhan para tumbahin ang dayuhan. Kahit na naging patas sa larang ng paggamit ng parehong ‘dayuhang’ puhunan (sa pananaw ng mga tao) ang ginawa ni Javier ay isa pa ring paraan para malikha ang ‘iba’ niya na walang iba kundi ang kanyang pagkadayuhan. Nalebel lamang ito nang sa bandang katapusan ng kuwento ay magtagumpay si Javier/Ossan na pagbuklurin ang kapital ng mahirap at mayaman at pag-isahin sila sa adhikaing maitumba ang ekonomikong interes ng mga dayuhan.

Monday, November 21, 2011

Ang Tondo bilang bansa sa Canal dela Reina


Sa nobelang Canal dela Reina ang Tondo ay ginamit bilang lugar ng tunggalian. Mula sa pagiging magandang lugar nito (panhon ni Caridad) at ng pagiging pangit at bansot (panahon ni Nyera Tentay), hinabi ng naratibo ni Liwayway Arceo ang mga nangyaring pagbabago para maiakda ang isang pangarap na pagbabago (ni Junior).

Nagbukas ang nobela sa pagbabalik ni Caridad at ng kanyang pamilya para muling angkinin ang lupang pinabantayan sa isang katiwala para malaman lamang na ito ay naibenta na pala. Puno ng nostalhiya ang namuong damdamin kay Caridad dahil nawala na ang kagandahan ng nilakihang lugar. Ang Canal dela Reina ay isa nang iskwater.

Sa iskwater na ito ang itinuturing na makapangyarihan ay ang usurerang si Nyora Tentay. Hawak niya ang mga tanod at pulis. Ang mga mahihirap ay nakapalibot sa kanya para sa kanyang ‘tulong’ at pakikiramay---may kapalit na kabayaran siyempre.

Nakasandig ang proyekto ng naratibo ng nobela sa pagbawi ni Caridad ng ari-arian sa Canal dela Reina partikular na kay Nyora Tentay. Ginamit dito ang institusyon ng batas para dinggin at timbangin ang mga argumento at ebidensya ng magkabilang panig, na masasabi natin na pareho rin namang mayayaman. Ang moral at etikal na kamalian nga lamang ay nakabuhos sa katabaan ni Nyora Tentay. Ngunit sa bandang huli, hindi rin ang institusyon ng batas ang magpapa-alis sa Nyora sa Tondo ngunit ang baha at ang pagkamulat ng anak na lalaki.

Matapos mapaalis ng baha ang mga iskwater at masira ang bahay ni Nyora Tentay, pinuntahan ng mag-anak ang Canal dela Reina at inakda ang pook ng hinaharap. Rasyunalisasyon ng aktibistang si Junior:

Masasayang ang paghihirap natin at pakikilab an para sa kapirasong lupang ito kung makaraan ang lahat ay ang dating pamayanan rin ang sisibol. Kailangang ang pagbabago…kailangang magkaroon ng kahulugan ang lupang ito.

Sinulat ni Arceo ang nobela noong 1969 ngunit ang mga suliraning kakaharapin pagdating ng Martial Law ay masasabing nailatag na. Lantad na sa panahong ito ang aktibismo. Malakas na talakayan na rin ang nangyayari tungkol sa pagbabago sa patakaran sa mga lupang pansakahan; nariyan pa ang impluwensya ng sosyalismo sa mga kabataang estudyante ng mga kolehiyo at unibersidad. Ang tauhang si Junior ay nakapaghimasok dito ngunit pinatahimik ito literal ng pagbabawal sa kanya ng ama at pag-iwas din ng nobela na isatitik/isasalita ang mga ginagawa ng mga kabataang aktibista. Kaya sa halip na harapin ang estado sa pamamagitan ng hayagang protesta na siyang norm sa panahong sinusulat ang nobela, si Junior ay inilagay sa relief operation at ginawang mangagawang boluntaryo. Tinanggalan ng tinig kung ganoon ang subersibong katauhan ni Junior.

Marahil maiintindihan natin kung bakit pinipi si Junior. Ang pangangailangan at interes ng magasing Liwayway ay higit na matimbang kesa sa adhikaing personal ng awtor. Sa katunayan, inamin niya sa Intro na tinanggal niya ang mga bahagi na nagpapahayag ng pakikipaglaban sa estado.

Romantisismo ang dominanteng tradisyon na namamayani sa nobela kahit na may bahid ng realismo ang mga paglalarawan ng lugar at pangyayari. Lublob sa pagtatagisan ng pag-ibig at galit, ng pagpapahayag ng pagmamahal at ng paghihiganti, ang mga tauhan. Ang pagmamahalan ay pagpapahalagang umiikot sa pamilya ng protagonista na si Caridad. Paghihiganti naman ang nasa minor na protagonista na si Gracia (asawa ng anak na lalaki ni Nyora Tentay) na nakaranas ng pang-aapi sa Nyora. Samntala, nilalaro ng tema ng pag-ibig ang pagkakakilala ng anak ni CAridad at Gracia na parehong nagkrus ang landas dahil sa dalawang pangyayari: ang hablahan sa korte at ang baha sa Tondo. Sa mga tauhang nabanggit, melodramatiko at sentimental ang mga dayalogo at nasa likuran din ang didaktisismo---ang pagpapahiwatig na ang kasamaan ay hindi magtatagumpay sa huli at ang naaapi ay muling makakaranas ng ginhawa.

Dikta pa rin marahil ng kumbensyon ng romantikong nobela sa isang komersyal na magasin (kahit na ito’y pumapasok na sa realismo), karamihan sa mga karakter ay isteryotipikal at gumagalaw sa kumbensyunal na balangkas ng nobela. Sa kabilang banda, may pagsusumikap na ‘buuin’ ang karakter ni Junior para man lang sa ideolohikal na layunin. Ngunit kapos pa rin.

Pag(de)konstrak ng pook at panahon sa Etsa-pwera ni Jun Cruz Reyes


Kahit pa una nating banggitin na ang nobelang Etsa-pwera ni Jun Cruz Reyes ay sinulat para sa isang milyong peso na pabuya ng Centenial Literary Prize ng national Centennial Commission noong 1998, ang proyektong pag-akda ng bansa dito ay masasabing problematiko. Wala itong iisang lahi, pook o panahon na tinutukoy na inakda ang bansa. Ang nobela ay puno ng katanungan imbis na kasagutan kung ano ang mga bagay-bagay na magbibigay depinisyon sa isang konsepto tulad ng Pilipino, bayan o rebolusyon.

Hakop ng nobela ang iba’t ibang kapanahunan simula sa bago dumating ang mga Kastila hanggang kasalukuyan (at least 1990s). Nagsimula ito sa gitna---ang pagkikita at pagsama ng tatlong tauhan sa isang bahay---at nagbalik sa naratibo ng ‘pinagmulan’ ng kanilang lahi hanggang sa pinakahuling supling na si Ruben “Ebong” Balinghagay. Sinikap (kahit hindi seryoso) na ilantad ng naratibo ang genealogy ng lahing Pilipino na nirerepresenta ng mga kasalukuyang kabataang Balinghagay para lamang ‘ipagmalaki’ na ang lahi ay nanggaling sa isang usa (ang pangalan ay si Rosa) at isang Kastilang pari---o baka hindi rin kasi hindi malinaw na siya ang nakapagpaanak dahil meron pang isang naging ka-love team si Rosa. At mula kay Rosa ay lumitaw ang genetic configuration ng mga lahing usa, Igorot, Kastila, Hapon at Intsik.

Ang nobela ay hayagang nagsasabi na ito ay tungkol sa mga tauhang nasa laylayan o margin. Tinuring na nasa margin ang mga anak ng ‘usa’ sa tao, mga anak ng paring Kastila, anak ng Intsik, anak ng Hapon, anak ng rebelde at mga aktibista. Ang paglalahad ng naratibo ng mga tauhang ito ay nasa pananaw ng kabataang karakter na siyang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kulay rin sa mga pinagtatagpi-tagping kuwento ng kanyang ama at lola. Ang pagsasalaysay ng iba’t ibang bersyon ay nangyari sa iisang panahon at lugar---sa bahay ng lola matapos maiuwi ang pinaampong bata sa pari. Nagpatuloy ito sa panahong nanantili siya sa bahay at nasaksaihan ang pang-aaping nangyayari sa kanyang paligid na nagtapos sa pagkamatay ng isang kaibigan at ng kanyang ama. Magpapatuloy ang naratibo sa hindi pa naisusulat na naratibo ng kabataang tauhan. Puno nga lamang ng kontradiksyon ang inakung posisyon na ito ng kabataan na namumuhay sa kasalukuyang panahon:

Ako, bakit ako ang tagapagmana ng kanilang mga walang katapusang sana? Hindi ng kabuhayan kundi ng lahat ng himagsik ng kanilang dugo. Bakit sa skin natambak ang lahat ng kasiraan ng lahi namin. Mananatili kaming etsa-pwera, kapag ako ang magtutuloy ng istorya. Pag-asa-pag-asa.

Sa panahong nag-iba na ang mga kanyang katutunggaliin, sa panahong iba’t ibang lunan at espasyo na kinaluluklukan ng mga Pilipino, paano niya isasagawa ang kanyang pag-akda ng kanyang sariling naratibo?

Malayo na ang narating ng porma at nilalaman ng Etsa-pwera. Wala nang hanggan kahit na konsepto ng masama/mabuti; sa maraming pagkakataon ito pa nga’y pinag-iisa. Tulad na lang ng karakter ng paring Kastila (Padre Francisco de San Esteban na pwede ring Apo Kiko) na siyang nagtatag ng bayan ng Igorot na siya ring nag-kwan sa anak na usa (Rosa); ng mestisong Intsik na parehong bayani (dahil mayroong monumento na pinalitan rin noong huli ng kay Dyesebel) at kalaban ng mamamayan; ng si Dune na parehong mangagamot, rebelde at iba pa.

Maituturing na alternatibong kasaysyan at counter-memory (terminolohiya ni foucault) ang nobel dahil sa pagtalakay nito sa historikal na mga tauhan. Magkayunpaman, mas naging historikal pa nga ang fiksyonal na mga tauhan kesa mga yaong nakasulat sa kasaysayan. Sa nobela maituturing na ‘interesting sidelights’ na lamang ang mga historikal natauhan tulad nina Aguinaldo at Col. Smith, ng mga Macabebe at mga Sakdal. Wala silang ‘kabubuhay buhay’ sa nobela. Ang nobela ay kababasahan ng mga hindi naitalang mga pangyayari ng pagtulong, pakipaglaban at pagbalatkayo ng mga tauhan sa panahon ng rebolusyon at giyera kontra Kastila, Amerikano at Hapon; o ng pang-aabuso ng mga sundalo ng gobyerno noong panahon ng Martial Law.

Naimarka kung ganoon ng nobela ang pagtatanghal ng kasaysayan ng bayan at ng mga walang kapangyarihang magtala at magtala nito sa opisyal na aklat ng bayan.

Tinumba rin nito ang tradisyunal na pakahulugan ng linyar na kasaysayan at ng naratibo nito. Sabi nga ng lola ni Ebong: “lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati.”

Sunday, November 20, 2011

Image, Music and Text: Re-presenting the Indigenous in Cabalfin’s paintings and sculptures



Seeing.

Messages fly. But so does the banog (Visayan eagle) in Allan Cabalfin’s exhibit (“Inday-gen-news: Recentering the Culture Bearers,” UPV Art Gallery, November 4-18, 2011) composed of batik and acrylic paintings and terracota sculptures. Here, the image of the eagle is transformed into a Panay-Bukidnon girl (inday) dancing, though without movements. She is, like the crucified Christ, caught and suspended on air, frozen, yet fluid in her eternal gesture. She flies, like the bird she models, to and fro, past and present, rural and urban, farm and city, sea and air, earth and sky, material to the spiritual, nature to culture, in all serenity. There is no anger here, despite seeing the destruction of our natural habitat, despite pollution and terror, despite injuries and insults, by waves and by the web, in the opposition of myth and history, our girl-bird does not have the interrogating gaze, nor the avoidant eyes of an afflicted, but only deep understanding. Suspended on air, she carries with her the message once we thought better off tied to a pigeon’s foot. No, Cabalfin’s paintings and sculptures are what we see in the center-altar of our churches. Flying.

Hearing

The image of the girl-bird does not speak. It does not open its mouth. It is muted, the absence of utterance; the absence of parole. But it speaks, paradoxically though, through its unseeable movements; the presence langue. There is music in the outstretched arms about to move, or already moving. The girl dances like a bird and we are seduced to re-producing the sounds and imagining the two outstretched arms of the dancer moving up-down-up-down, repeating up-down-up-down. The image then starts to move. At first alone, with its hands, later with its feet; the body moving on its own. Then other images appear to be moving on the upper garment---clouds, birds, flowers, a carabao, a monkey, a wild pig, a snake (eyeing an apple), wrapped flowers (flores para la muerte), plants, people (running and afraid), highways and cars. The music of the binanog dance travels from different time and space, penetrating, encircling, and moving out again. It brought its dancer to the natural elements (eating-earth, drowning-water, blowing-wind, all-consuming-fire), to the archi-cultural constructs (circling flyover, exploding twin towers, multiplying shanties, the long and busy JM Basa St.), man-made machines (oil-spilling tanker, land-grabbing bulldozer) and to onced untouched romantically constructed idea of paradise, where one could gather animals and plants and enjoy a bountiful harvest, where birds are suppose to sing and flowers receive without malice the animal equivalent of sperm. There is movement in an unmoving image of the Panay-Bukidnon dancer. And the movement is with us. In our gaze.

Meaning(s)

If we get the movement, we also get the meaning. This is the only way that the flying will take its course. One student-viewer asked her companion why the outstretched arms of the Panay-Bukidnon girl? Unsolicitedly, I gave off the answer that she is modelling the dance of the eagle. Right there and then, like a snap of a finger, she retorted: “Because the indigenous flies from one place to another!” So they left the gallery happy that they have the meaning that they could bring home with them and, if time and luxury permits, cook and serve as hors d’eouvres to an evening of intellectual conversation. But I think there’s more to the image, the music and the text of the paintings and sculptures than just the concept of the indigenous being re-presented from different/differing time and space. The concept ‘indigenous’ appears, since it is always at the center of the frame (even sculptures are framed), insistent in its authority on truth---it occupies the center so it aspires for the center. It articulates positionality in a play between past and present, good and evil, ancient and modern. It represents power.

Re-thinking

Thus, marginalization and centralization, are two inseparable concepts. One would not have power without the presence of the other. The marginalization of the indigenous people, re-presented by image of the the Panay-Bukidnon girl, does not serve just as inspiration to artists, she too could become a national marker that needed rcognition. In art, we have this element called ‘emphasis’ which simply tells us where to direct our eyes. In theater, when we think of blocking that suggests authority, we always opted to use the center. It is where the character of a king, a president, a father, and God sits. Putting the dancing Panay-Bukidnon girl, with its symbolic significance, at the center of the discursive frame invites some re-thinking on the way we look at nature and culture. Her powerful presence invites a (mis)reading that could affect the future not just of the indigenous people but of the human race as well. This is supposed to be the ‘news’ that our ‘inday’ (girl) will write for this (‘gen’)eration. Or so I/we thought.